Mahilig akong mag-Twitter. Nagsilbi itong talaarawan ng aking buhay. Ginawa ko itong pribado para sa aking mga kaibigan. Para naman alam nila kung kumusta ang buhay ko, kung kumusta ang buhay dito sa UAE. Bukod sa pagbabahagi ng mga pangyayari sa buhay ko, ang sarap din magbasa ng tweets ng iba. Kung sa bagay, hindi pribado ang mga tweets nila na nangangahulugang kagustuhan nilang ibahagi ang lahat ng nangyayari sa kanila sa madlang people. Gusto ko lang linawin na hindi ako masyadong tsismosa (promise!) pero puwede kong ipagmayabang na alam kong sa Gold's Gym nag-eehersisyo si Jon Avila at kanina, nagbalik-tanaw si Aiza Seguerra sa kanyang elementarya. Ang sarap bumalik sa nakaraan lalo na sa mga nakakatawa at masasayang sandali. Ibabahagi ko sa inyo ang mga tweets niya patungkol dito. Halos magkasing-edad yata kami kasi pareho kami ng naaalala. Hehe.
1. Yung sasali ka sa choir para exempted ka sa exams ng Special Ed.
2. Nung pinipilit mong gayahin yung handsign at pagtaas ng kilay ni Vanilla Ice kasi akala mo cool. Shet. Hindi pala.
3. Nung sikat ka 'pag meron kang Swatch na relo.
4. Nung astig na astig ka sa Power Rangers.
5. Kawawa ang class secretary kasi magsusulat na siya sa board, isusulat pa niya sa notebook
6. Pizza, bucket ng KFC, malamig na Sprite at Coke kapag Christmas party. Mula Grade 1 till Grade 7.
8. Nung bagong-bago pa yung Enchanted Kingdom at excited kami lahat pumunta.
9. Sikat ka kapag may pencil case ka na maraming pindutan.
10. Nung si Ina Raymundo ay isa pang diyosa at hindi pa nag ma-mother roles!!!
11. Eraserheads, Yano, Color It Red, Parokya Ni Edgar, Rizal Underground
12. Sobrang uso ng Doc Martens kaya kahit naka-school uniform, suot mo pa rin
13. Hindi makalimutan ang mga teachers kong sila Ms. Gulay at Mr. Pechay. Nagkatuluyan ata sila.
14. Nung Grade 2 ako, nasa gitna ako ng pila sa flag ceremony. Pagkatapos nun, lagi nang nasa una. Pandak kasi.
16. Pag hindi mo kaya tugtugin ang More than Words o intro ng Stairway to Heaven, laos ka.
*** I tried translating this to English using Google Translate (just for the heck of it). It came out really silly and funny. Laughing out loud.
No comments:
Post a Comment